Parehas na mag-asawa sa mag-asawang taksil

Hiniling ni Senador Edgardo Angara na tratuhing pantay ang krimeng concubinage at adultery kasabay ang pagpapataw ng parehas na kaparusahan.

Sa panukalang inihain nito sa senado para amyendahan ang batas ukol sa concubinage at adultery .

Dahil sa kasalukuyan ay hind parehas ang pagtrato kung saan ay mas nagiging pabor sa mga mister ang batas na concubinage habang sa adultery ay agad na nahuhusgahan ang nagkakamaling misis.

Ayon kay Angara,dapat maging pantay ang pagtingin dito ng batas dahil kapwa sila nagkamali na nagiging sanhi ng pagkawasak ng isang pamilya.

Sa kasalukuyang batas ay agad na nahuhusgahan na nagkasala ng adultery ang isang ginang kung siya ay mahuli sa aktong nakikipagtalik sa hindi niya asawa.

Samantala sa kasong concubinage para mapatunayang nagkasala ang isang lalaking may-asawa ay dapat naroroon ang mga elementong ito:

1.Keeping a mistress in conjugal dwelling.

2. Having a sexual intercourse under scandalous circumstances with a woman who is not his wife.

3. And cohabiting with her in any other place.

Kapag ang isa sa mga elementong ito ay nawala sa kasong concubinage ay hindi mapaparusahan ang lalake. (Ulat ni Rudy Andal)

Show comments