Sa kilos protestang isinagawa ng grupo ng COPA, sa harapan ng gusali ng Korte Suprema sa Padre Faura St., sa tabi ng Department of Justice (DOJ) kasama ang mga militanteng grupo, tinuligsa ng mga ito ang umanoy mga Narco Politico na ang ibig sabihin ay mga salot sa bayan.
Halaw ito sa "narcopolitics" na nangangahulugan ng paggamit ng kayamanang naipon mula sa drug pusher para sa mga negosyo at mga ibang gawain na nagpapayaman at nagpapalakas sa mga drug lord.
Napag-alaman kay Boy Saycon, convenor ng COPA, ang illegal na kayamanan ay ginagamit umano ng mga druglord sa pagbili ng mga huwes, mga kagawad ng pulisya at iba pang mga awtoridad sa pamahalaan o sa pribadong sektor. (Ulat ni Grace Amargo)