Benta ng lotto tumaas dahil sa balitang giyera
September 16, 2001 | 12:00am
Matapos kumalat ang tsismis ng nakaambang giyera ay lalo umanong humaba ang pila sa mga lotto outlets at tumaas ang benta sa pag-asang tamaan ang P100 million jackpot ng Super 6/49 lotto game na bobolahin ngayong gabi.
"Sana manalo na ako bago magka-giyerna," wika ni Mario Lundo isang houseboy na nakapila sa lotto outlet sa Sta. Cruz, Manila.
Ayon kay Lundo, sakaling suwertihin at tamaan niya ang jackpot ay agad siyang uuwi sa kanilang probinsiya sa Mindanao at mag-iimbak ng mga pagkain na tatagal hanggang sa matapos ang giyera.
Katulad ni Lundo, ang iba pang katulad niyang lotto players na matiyagang nakapila sa ibat ibang lotto outlet sa Metro Manila ay apektado rin ng posibleng pagsiklab ng digmaan kaya nagbabakasakali na manalo sila bago pa maganap ito.
Sa random survey na ginawa ng ulat na ito, nabatid na simula ng atakihin ang Estados Unidos ng mga terorista ay dinumog ng mga mananaya ang mga lotto outlets.
Pero, pinabulaanan ito ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at hindi raw ang namimintong giyera ang dahilan ng biglang pagtaas ng benta ng lotto tickets sa ibat ibang parte ng bansa.
Ayon kay Conrado Zabella, PCSO assistant general manager para sa on line lotto sector, ang lotto sale ay kadalasang mataas kapag ang jackpot ay mataas. Sa nakalipas na mga linggo ay nanatiling mailap ang Super Lotto jackpot hanggang sa umabot na sa P100 million.
"Mas mataas na jackpot price, mas mahaba ang pila," sabi ni Zabella.
Pero para naman sa mga lotto critic katulad ni Atty. Ernesto Mendiola, ang hangarin ng mga tao na tumama sa jackpot bago man lang magka-giyera ay isa lamang palatandaan ng "materialistic" values sa ilang sektor ng ating lipunan.
"Ano ngayon kung tamaan mo ang jackpot, hindi mo naman madadala ang pera kapag namatay ka," wika niya.
Sinabi pa ni Mendiola na ang dapat maging asal sa ganitong panahon ng krisis ay mapalapit sa Diyos at huwag ang mga materyal na bagay sa mundo. (Ulat ni Perseus Echeminada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest