3 witness sa planong pagpapasabog sa Vietnam embas
September 15, 2001 | 12:00am
Tatlong witness sa umanoy planong pagpapasabog ng tatlong hinihinalang terorista sa Vietnam Embassy ang iniharap kahapon matapos sumuko noong nakaraang linggo.
Sa pahayag ng tatlong witness na sina Alfonso Espinosa, Paterno Degoma Jr. at Joseph Boquecosa, sinabi nila kay Justice Secretary Hernando Perez na dalawang ulit na silang nagdala ng bomba sa bansang Vietnam para gamitin ng mga terorista dito.
Sila din umano ang siyang tumulong sa mga dayuhang terorista na sina Vo Van Duc at Nguyen Huu Chanh sa pagbibiyahe ng mga explosive materials mula sa Maynila patungong Ho Chi Minh City sa Saigon.
Lumalabas sa imbestigasyon na ang tatlong witnesses ay sangkot din sa pagbebenta ng mga pekeng gold bars na minamaniobra ng isang nagngangalang Datu Crescencio Dagasdas at Florinda Estrada. Ayon kay Boquecosa, siya ang inutusan ni Chanh na i-convert ang isang transistor radio para gawing switching device para mapaandar ang bombang dadalhin sa Vietnam.
Magugunita na unang nahuli ang nasabing mga suspected terrorists makaraang tangkaing pasabugin ng mga ito ang embahada ng Vietnam sa Maynila. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended