^

Bansa

2 Pinoy kumpirmadong patay sa US attacks

-
Kinumpirma ng Philippine Embassy sa America na dalawang Fil-Americans ang napasama sa mga hinayjack na dalawang eroplano na sumalpok sa south tower ng World Trade Center sa New York at sa Pentagon headquarters sa Washington D.C.

Sa report na ipinarating ng embahada sa Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon, kinilala ang dalawa na sina Ruben Ornedo, 39, naninirahan sa Eaglerock, California at Ronald Gamboa, 33, nakatira sa West Holywood, California.

Base sa flight manifest, si Ornedo ay kumpirmadong nakasakay sa American Airlines flight 77 na sumalpok sa Pentagon building, samantalang si Gamboa nama’y kumpirmado ring nakasakay sa United Airlines 175 na sumalpok naman sa south tower ng World Trade Center.

Samantala, mula noong Martes ay umaabot na sa 117 Pinoy ang iniulat ng kanilang pamilya dito sa Pilipinas na nawawala.

Karamihan sa mga iniulat na nawawala ay mga Filipino na namamasukan sa WTC at iba pang katabing tanggapan nito.

Kasabay nito, nagpalabas ang DFA Task Force on US Terrorists Attack ng mga pangalan ng mga Filipino na kumpirmadong nawawala at pinaniniwalaang nasa loob ng twin towers ng mangyari ang trahedya.

Ito’y sina Grace Alegre Cua, nagtatrabaho sa Mitsui Bank sa WTC; Hector Tamayo, community leader ng Aklan Association at nagtatrabaho sa Vanderbilt Group Construction sa WTC; Arnold Lim, Carl Allen Peralta, trabahador ng Cantor Fitzgerald Securities sa WTC; Cynthia Betia, Benilda Domingo, Ramon Grihalvo, Jay Ceryll de Chavez, Marilyn Bautista, Renato Bonivacio, trabahador ng Morgan Stanley sa WTC; Maritess Santillan, Judy Fernandez, Joana Vidal at Frederick Kuo.

Dalawang Pinoy naman ang ligtas na matapos ilabas sa WTC Christ Hospital na kinilalang sina Christine Mongolen at Benilda Tagle. (Ulat ni Rose Tamayo)

AKLAN ASSOCIATION

AMERICAN AIRLINES

ARNOLD LIM

BENILDA DOMINGO

BENILDA TAGLE

CANTOR FITZGERALD SECURITIES

CARL ALLEN PERALTA

CHRIST HOSPITAL

CHRISTINE MONGOLEN

CYNTHIA BETIA

WORLD TRADE CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with