Trial ni Erap natabunan ng US bombings

Tuluyan nang hindi napansin kahapon ng publiko ang ginawang paglilitis ng Third Division ng Sandiganbayan para sa kasong plunder ni dating Pangulong Estrada. Kapuna-puna ang pagliit ng seguridad na inihanda ng PNP sa ginawang pagdating ng dating Pangulo sa Sandiganbayan. Sa unang pagkakataon ay hindi kasama ni Estrada sa graft court ang kanyang pamilya. Hindi rin napuno ang court room ng Third Division.

Sinabi ni Chief Supt. Rodolfo Tor, hepe ng Central Police District (CPD) na nangangasiwa sa seguridad na nagiging isang ordinaryong pangyayari na lamang ang kaso ni Estrada at ang pagpunta nito sa Sandiganbayan. May 100 kasapi na lamang ng PNP na karamihan ay nagmula sa CPD station 6 ang ipinakalat sa Sandiganbayan, kumpara sa naunang 4,000 pulis. (Ulat ni Malou Rongalerios)

Show comments