Sa report ng Bloomberg, ang crude oil delivery para sa buwan ng Pebrero ay tumaas ng 3.9 porsiyento o $24.74 isang bariles sa Tokyo Commodity Exchange. Sa London, ang Brent crude oil para sa Oktubre ay tumaas din ng $1.61 o 5.9 porsiyento sa halagang $29.06 isang bariles sa International Petroleum Exchange. Gayunman, nagpahayag ang Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC) ng katiyakan sa matatag na oil market at nakahandang gamitin ang kanilang nakatagong supply sakaling kailanganin para dito.
Samantala, nagpahayag si Energy Secretary Vincent Perez na hindi tataas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa loob ng dalawang buwan sa kabila ng krisis sa US. Sinabi ni Perez na umaabot sa 58 araw ang imbak na langis ng mga oil companies na tatagal ng dalawang buwan.
Pero nilinaw ni Perez na ang galaw ng presyo ng langis ay depende sa magiging aksiyon ng Amerika kung ang tatamaan ng pagganti nito sa terorista ay ang mga bansa sa gitnang silangan na nagsusuplay ng langis. (Ulat nina Lilia Tolentino at Ely Saludar)