Banta ng terorista posible raw umabot sa Pilipinas
September 13, 2001 | 12:00am
Nagbabala kahapon si Vice President at Department of Foreign Affairs Secretary Teofisto Guingona Jr. na may nakaamba ring banta sa bansa dahil kilala ang Pilipinas bilang kaalyado ng Estados Unidos. Ayon kay Guingona, ilang araw bago nangyari ang pag-atake sa Amerika, isang magazine na nakabase sa Japan ang nagsabing isang intelligence report ang nakalap mula sa Paris na sasalakayin ng grupo ni Osama bin Laden ang US at ang mga pasilidad ng Israel sa Asia kabilang na ang Pilipinas at Tokyo.
Matatandaan na ang convicted international terrorist na si Ramzi Youssef na siyang nagsagawa ng pambobomba sa World Trade Center sa New York noong 1993 ay dito sa Pilipinas nagtago bago ito naaresto.
Sa kasalukuyan, ang embahada ng Washington, Philippine Mission sa New York at ang lahat ng mga konsulado sa buong Amerika ay nananatiling pinag-ibayo ang alerto matapos ang serye ng nasabing pambobomba.
Mula pa kahapon ay wala pang kumpirmadong impormasyon o report na natatanggap ang DFA hinggil sa mga Filipino casualties bagamat patuloy pa rin umano ang isinasagawang pag-iikot ng mga ito sa ibat ibang pagamutan doon upang makakalap ng anumang impormasyon. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended