^

Bansa

World War III kasunod ng US attack

-
"In the city of York there will have a great collapse, two twin brothers torn apart by chaos, while the fortress fall, the great leader will succumb, the third big war will begin when the big city is burning."

Ito ang prediksiyon ng great seer o prophet na si Nostradamus na biglang kumalat sa mga text messages kahapon matapos ang terrorist attacks sa World Trade Center sa New York City kamakalawa na pinangangambahang maging hudyat ng Ikatlong Digmaang Pandaigdig.

Sa interpretasyon ng mga nakatanggap ng nasabing text messages, tila nagkakatotoo na ang prediksiyon ni Nostradamus na humula rin sa World War I at II at ang umano’y nakatakdang maganap na pagkagunaw ng mundo.

Sinasabing ang tinutukoy na "twin brothers" ay ang north at south tower ng World Trade Center at ang tinutukoy na "great leader" ay si US President George Bush na lider ng makapangyarihang bansa.

Si Nostradamus din ang humula ng assassinations nina Abraham Lincoln, at magkapatid na John at Robert Kennedy. Hinulaan din niya ang pagkakaluklok kay Pope John Paull II bilang head ng Catholic Church sa buong mundo.

Sa pelikulang "The Man Who Saw Tomorrow," ang riddle ni Nostradamus ay ipinagkamali na missiles ang tatama sa City of York at marami rin ang nagsuspetsa na si Saddam Hussein ang ikatlong anti-Christ na nakasuot ng turban na tinutukoy nito na susulpot ng sumiklab ang Gulf war. Si Saddam ay kilala sa pagsusuot nito ng beret sa ulo at hindi turban.

Nangako si President Bush na parurusahan ang mga responsable sa pag-atake at kapag gumanti si Bush, ito na umano ang sinasabing simula ng "third big war."

Binanggit rin ni Nostradmus na "great powers of the world will unite," at sa kasagsagan ng pagsalakay sa Amerika ay nanawagan si British Prime Minister Tony Blair na magkaisa na labanan ang terorismo. Ang mga lider ng bansang China, France at Russia ay nagpahayag din ng pagkondena sa nasabing attack.

Pero, sinabi ni Nostradamus sa kanyang hula na kapayapaan ang maghahari sa buong mundo pagkatapos nito.(Ulat nina Joy Cantos at Malou Rongalerios)

ABRAHAM LINCOLN

BRITISH PRIME MINISTER TONY BLAIR

CATHOLIC CHURCH

CITY OF YORK

IKATLONG DIGMAANG PANDAIGDIG

JOY CANTOS

MALOU RONGALERIOS

MAN WHO SAW TOMORROW

WORLD TRADE CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with