Ayon kay Sen. Pimentel, tukoy na nila ang mga nasa likod ng sindikatong ito na halos binubuo ng mga dating opisyal ng Commission on Elections (Comelec) kung saan ay nakabase sa Maynila. Ang computerization lamang ng ating halalan ang tatapos sa sindikatong ito ng dagdag-bawas.
Ipinaliwanag pa ng senate manority leader, walang party loyalty ang nasa likod ng sindikatong ito kundi ang loyalty lamang nila ay kung sino ang kayang magbayad ng serbisyong kanilang isasagawa para masiguro ang pagkapanalo ng kanilang kliyente.
Ipapatawag ng Senate committee on constitutional amendments and electoral reforms si Comelec Chairman Alfredo Benipayo upang ipaliwanag nito ang gross discrepancy sa bilang ng mga registered voters na lubhang makakaapekto sa standing ng senatorial winners partikular ang nasa ika-12 at ika-13 puwesto sa senatorial race.
Idinagdag pa ni Pimentel, dapat ay maging kumbinsido ang paliwanag ni Benipayo hinggil dito kundi ay mahihirapan muli siyang ma-confirm sa Commission on Appointments (CA) matapos muling isumite ni Pangulong Arroyo si Benipayo at 2 pang commissioners sa CA para sa kumpirmasyon sa kabila ng pagkabigo nitong makapasa ng tatlong beses bago mag-recess ang Kongreso. (Ulat ni Rudy Andal)