Villanueva handang magbitiw
September 11, 2001 | 12:00am
Nakahandang mag-resign si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Diomedio Villanueva kung wala na umanong tiwala sa kanya si Pangulong Arroyo sa gitna na rin ng mga ulat na siya ang dapat sisihin sa nangyaring pagkakatakas ng mga bandidong Abu Sayyaf sa lalawigan ng Basilan.
I am ready to step down as AFP Chief if the political leadership wants me. If they lost confidence and trust in me. Im willing to resign, pahayag ni Villanueva.
Kasabay nito, itinanggi ni Villanueva ang siyam na pahinang confidential report ni Army Inspector General Reynaldo Rivera na siya umano ang nasa likod ng pagkakatakas ng mga bandido matapos umanong mamiskalkula nito ang galaw ng mga bandido at panghimasukan ang operasyon sa kainitan na rin ng labanan ng militar at ng nakorner na grupo ng mga bandidong Abu Sayyaf.
Ang sinabi ni Villanueva ay taliwas sa confidential report ni Rivera na nagsabing inabandona ng tropa ng mga sundalo ang bisinidad ng Jose Torres Memorial Hospital at St. Peter Parish sa Lamitan matapos na ipag-utos ng Chief of Staff na mag-concentrate sa Tuburan dahil iniisip umano nito na diversionary tactics lamang ang pag-atake at pangho-hostage ng mga bandido sa nasabing lugar. Gayunman, natagalan bago dumating ang hinihintay na reinforcement force ni Col. Jovenal Narcise, dating Commander ng 103rd Brigade kaya naging madali para sa Abu Sayyaf ang makatakas.
Sa nasabing report ay idiniin ni Rivera na si Villanueva, umano ang nagdesisyon ng atasan nito si Armys 18th Infantry Batallion (IB) Commander Major Daniel Lucero na i-pull out na ang tropa ng militar sa bisinidad ng hospital at simbahan.
Sinabi rin sa report ni Rivera na dahilan umano sa mahigpit na pagbibigay ng seguridad sa mga VIPs na opisyal ng gobyerno na bumisita sa Basilan ay naapektuhan ang konsentrasyon ng tropa ng militar na nakadeploy sa Lamitan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest