^

Bansa

Lacson nang-iintriga - Roco

-
Isa lamang umanong intriga ang ginawang pahayag ni Senador Panfilo Lacson na si Education Sec. Raul Roco ang siyang isusunod ng Malacañang sa ginagawa nitong demolition job dahil isa ito sa pinakamalakas na kandidato para sa pagka-Pangulo sa darating na eleksiyon sa 2004.

Ayon kay Secretary Roco, malabong kagatin ang walang kuwentang tsismis dahil napakahusay ng pagkakaisa at pagtutulungan ng mga miyembro ng Gabinete ni Pangulong Arroyo.

"I don’t believe that, intriga lang iyan. Nakalimutan yata niya na I was part of the group that backed President Arroyo last October 2000 kaya may pinagsamahan kami na hindi dapat talikuran," wika ni Roco.

Wala rin umano siyang alam kung ano ang motibo ni Lacson sa ginawa nitong pahayag.

Huli umano silang nagkausap ng senador noong SONA ni Pangulong Arroyo at binati pa siya nito na "kumpare" dahil sa pag-ninong nila sa isang mag-asawang ikinasal.

Ang tanging nagawa lamang umano niya kay Lacson ay noong gumawa siya ng ulat noong June 10, 1995 na nag-uutos para magsagawa ng imbestigasyon sa kaso ng Kuratong Baleleng.

Sinabi pa ni Roco na baka nakalimutan ni Lacson na ang intriga ay hindi tumatalab sa may mahusay na pagsasamahan. (Ulat ni LTolentino/DGarcia)

vuukle comment

AYON

EDUCATION SEC

KURATONG BALELENG

LACSON

PANGULONG ARROYO

PRESIDENT ARROYO

RAUL ROCO

ROCO

SECRETARY ROCO

SENADOR PANFILO LACSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with