Ping sinundan ni Corpus, pumunta rin sa Hong Kong
September 11, 2001 | 12:00am
Lumipad kahapon patungong Hong Kong para umano sundan ni Intelligence chief Col. Victor Corpus at umanoy tiktikan si Senador Panfilo Lacson na pumuntang United States matapos magtungo sa Hong Kong kamakalawa.
Si Lacson ay umalis ng bansa para umano mag-relax habang recess ang Senado. Ang kanyang pag-alis ay sa gitna ng mga espekulasyon na hihingiin niya ang tulong ng Hong Kong police para pabulaanan ang mga kasong may kinalaman sa droga na ibinato sa kanya ng ISAFP witness na si Mary "Rosebud Ong at sa iba pang police officials.
Nauna rito ay umalis din ng bansa patungong Hong Kong ang restaurant owner na si Kim Wong, ang inaakusahang umanoy drug lord na kaibigan ni Lacson.
Bago umalis ng bansa, itinanggi ni Corpus na susundan niya si Lacson at mag-eespiya dito.
Binigyang diin ni Corpus na ang kanyang pagpunta ng Hong Kong ay isang "official mission." Hindi na ito nagbigay pa ng paliwanag.
Samantala, sinabi ni Ong sa isang panayam na naniniwala siyang ang pagpunta ni Lacson sa Hong Kong ay para kumbinsihin si senior detective Ron Abbot ng HK Police na humarap sa Senado para pabulaanan ang mga akusasyon laban sa senador.
Kabilang sa mga kasong ipinaparatang sa kanya ay drug trafficking, money laundering, kidnapping at multiple murder.
Iginiit naman ng militanteng grupong Pamalakaya na kailangang ipaliwanag ni Lacson ang dahilan ng mabilis na pagpunta nito sa US dahil hindi maiaalis sa taongbayan na paghinalaan ang pag-alis niyang ito sa harap nang siya ay nasasangkot sa maraming kaso bukod sa sinasabing pagtatago nito ng malaking halaga ng salapi sa Amerika. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended