Ang dalawang Senador ay sina John Osmeña at Tessie Aquino Oreta na makakabilang sa 12 opisyal na miyembro ng delegasyon ng Pangulo.
Ang dating naunang inimbita ng Malacañang para sumama sa biyahe sa Japan ay si Senador Osmeña. Subalit ayon sa mapagkakatiwalaang impormante sa Senado at Malacañang, ang pagkakabilang ni Tessie Aquino Oreta ay kagustuhan ng pamahalaang Hapones.
Ang dahilan, ang yumaong ama ng Senadora at kapatid ng yumaong dating Senador Ninoy Aquino ay dating isang mataas na opisyal sa pamahalaang pinamumunuan ng Japan sa bansa noong panahon ng pananakop ng mga Hapones.
Si Makati Congressman Butz Aquino ay nakasama na sa biyahe ng Pangulong Macapagal Arroyo sa Brunei at Singapore noong nakaraang buwan.
Bukod kay Senadora Oreta, makakasama rin sa biyahe sa Japan ang asawa nitong negosyanteng si Len Oreta. (Ulat ni Lilia Tolentino)