^

Bansa

2 Senador na kaibigan ni Erap, kasama ni GMA sa bi

-
Dalawang Senador na malapit kay dating Pangulong Joseph Estrada ang makakasama sa biyahe ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa apat na araw na pagbisita niya sa Japan mula Setyembre 12-15.

Ang dalawang Senador ay sina John Osmeña at Tessie Aquino Oreta na makakabilang sa 12 opisyal na miyembro ng delegasyon ng Pangulo.

Ang dating naunang inimbita ng Malacañang para sumama sa biyahe sa Japan ay si Senador Osmeña. Subalit ayon sa mapagkakatiwalaang impormante sa Senado at Malacañang, ang pagkakabilang ni Tessie Aquino Oreta ay kagustuhan ng pamahalaang Hapones.

Ang dahilan, ang yumaong ama ng Senadora at kapatid ng yumaong dating Senador Ninoy Aquino ay dating isang mataas na opisyal sa pamahalaang pinamumunuan ng Japan sa bansa noong panahon ng pananakop ng mga Hapones.

Si Makati Congressman Butz Aquino ay nakasama na sa biyahe ng Pangulong Macapagal Arroyo sa Brunei at Singapore noong nakaraang buwan.

Bukod kay Senadora Oreta, makakasama rin sa biyahe sa Japan ang asawa nitong negosyanteng si Len Oreta. (Ulat ni Lilia Tolentino)

DALAWANG SENADOR

HAPONES

JOHN OSME

LEN ORETA

LILIA TOLENTINO

MALACA

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PANGULONG MACAPAGAL ARROYO

TESSIE AQUINO ORETA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with