^

Bansa

Lacson nag-relax sa HongKong

-
Umalis ng bansa ang kontrobersyal na si Senador Ping Lacson para pumunta sa Hong Kong, kahapon ng umaga.

Si Lacson ay hindi pinigilan ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport dahil napawalang bisa na umano ang kanyang hold departure order matapos siyang idawit sa Malacañag siege noong Mayo 1, 2001 sa pumalpak na People’s Power 3 o ang tinaguriang Edsa 3.

Ginamit ni Lacson ang kanyang diplomatic passport ng lumabas ito ng bansa matapos ipakita sa isang immigration officer sa departure area ng NAIA.

Kasama ni Lacson si Jerome Tang, isang intsik na may-ari ng Jollibee outlet sa airport. Ang mga ito ay sumakay ng eroplanong Cathay Pacific Airlines fight CX-906 papuntang Hong Kong.

Si Lacson, ay umalis ng bansa eksantong alas-11:00 ng umaga lulan ng flight CX-906 patungo sa dating British Crown Colony island na pinaniniwalaang magpapalamig sa mga kasong kinakaharap nito kaugnay ng kaliwa’t kanan na akusasyon ng kampo ni ISAFP chief, Colonel Victor Corpus at mga kasamahan.

Napag-alaman pa na hindi ipinahayag ni Lacson kung hanggang kailan ito mananatili sa Hong Kong at kung ano ang pakay ng kaniyang pag-alis.

Nauna rito, si Kim Wong, ang inaakusahang drug lord na konektado umano sa Hong Kong Triad ni Mary Ong ay umalis din noong Biyernes ng hapon patungong Hong Kong. (Ulat ni Butch M. Quejada)

vuukle comment

BRITISH CROWN COLONY

BUREAU OF IMMIGRATION

BUTCH M

CATHAY PACIFIC AIRLINES

COLONEL VICTOR CORPUS

HONG KONG

HONG KONG TRIAD

JEROME TANG

LACSON

SI LACSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with