^

Bansa

Ping Resign campaign ipinakalat

-
Nagsimula ng magpakalat ng itim na mga exclamation point! stickers ang grupong People's Consultative Assembly (PCA) bilang pangangampanya nila sa pagbibitiw ni Sen. Panfilo Lacson.

Sa isinagawang Narco Politics Summit sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan kahapon na dinaluhan nina Mary "Rosebud" Ong, Lt. Gen. Jaime delos Santos, at retired General Jose Almonte, isang resolusyon ang kanilang ipinasa upang manawagan sa Senate Ethics Committee sa expulsion proceedings ni Lacon.

Tulad ng pangunguna umano nila sa panawagan sa pagpapatanggal kay dating Pangulong Estrada, ibinase ng PCA ang kanilang mga akusasyon laban sa Senador ukol sa pagkakasangkot nito sa mga iligal na aktibidades noong ito pa ang namumuno sa Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) at ng maging hepe ng PNP tulad ng money laundering, drug trafficking, kidnapping at murder.

Base sa mga naglabasang ulat, dito nagkamal ng iligal na yaman si Lacson na idineposito sa mga international bank accounts sa Estados Unidos, Hong Kong at Canada.

Dagdag pa rito ang nakasaad sa Art. XI ng Konstitusyon na nagsasaad na ‘public office is a public trust then public officers must at all time be accountable to the people, serve them with utmost responsibility, integrity, loyalty and efficiency, act of patriotism and justice.’

Sinabi ni Ma. Linda Olaguer Montayre, PCA secretary-general, na matapos na madawit si Lacson sa mga exposé nina Angelo "Ador" Mawanay at Mary "Rosebud" Ong sa Senate hearing, humina na umano ang pinanghahawakang "public trust" ni Lacson sa publiko. (Ulat nina Danilo Garcia at Joy Cantos)

CLUB FILIPINO

CONSULTATIVE ASSEMBLY

DANILO GARCIA

ESTADOS UNIDOS

GENERAL JOSE ALMONTE

HONG KONG

JOY CANTOS

LACSON

LINDA OLAGUER MONTAYRE

NARCO POLITICS SUMMIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with