^

Bansa

'Ang See pakialamera'- Rosebud

-
Inakusahan kahapon ng dating civilian agent na si Mary "Rosebud" Ong na pakialamera si Teresita Ang See, chairman ng Citizen’s Action Against Crime and Corruption (CAAC) matapos umanong ibigay ng huli kay P/Gen. Romeo Acop ang isang videotape na naglalaman o nagpapakita ng isang eksena kung paano tinorture ng mga tauhan nito na sinasabing mga traydor sa samahan, ang apat na hinihinalang Chinese drug trafficker na pawang miyembro umano ng Hong Kong Triad.

Kinuwestiyon ni Rosebud si Ang See dahil sa pagbibigay ng videotape kay Acop na ipinakita naman sa GMA Channel 7 at hindi sa Senado bagaman nagpapatuloy ang joint hearing dito.

Sinabi ni Rosebud na kailangang ipaliwanag ni Ang See sa senate investigation kung bakit kay Acop nito ipinasa ang videotape. Si Acop ay inaakusahan ni Ong na kasabwat ni Sen. Panfilo Lacson sa drug trafficking sa bansa.

Gayunman, bagaman inamin ni Ong na mahirap sabihin na si Ang See ay posibleng kasabwat din ng grupo ni Lacson sa kidnapping activities sa mga Chinese nationals, ay hinimok niya ito na humarap sa Senado at ibunyag ang kanyang nalalaman sa operasyon ng PAOCTF. (Ulat ni Ellen Fernando)

ACTION AGAINST CRIME AND CORRUPTION

ANG SEE

ELLEN FERNANDO

HONG KONG TRIAD

ONG

PANFILO LACSON

ROMEO ACOP

SENADO

SI ACOP

TERESITA ANG SEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with