Sinabi ni Customs Comm. Titus Villanueva na ilan sa mga imported na sasakyan ay ginamitan ng mga "tampered import entries" at pekeng dokumento para palabasin na ang mga ito ay pawang mga lumang modelo na.
Binabaklas din ang mga "discrepancy reports" sa mga nasabing sasakyan para lang makaiwas ang importer sa pagbabayad ng kaukulang buwis na tinatayang umaabot sa milyong halaga na sa halip mapunta sa kaban ng bayan ay naibubulsa ng mga tiwaling empleyado.
Kaya naman ipinababawi ni Villanueva ang mahigit na 400 imported na sasakyan tulad ng Pregio, Starex, Besta at Grace na nauna ng nailabas upang magsagawa ng panibagong assesment na umaabot sa P30 milyong piso ang naibulsa. (Ulat ni Butch Quejada)