Driver ng Press secretary naaktuhang namboboso sa
September 2, 2001 | 12:00am
Isang driver ni Press Secretary Noel Cabrera ang nakatakdang sibakin sa trabaho dahil sa umanoy pamboboso o paninilip sa CR ng kababaihan sa Office of the Press Secretary sa Kalayaan Hall, Malacañang.
Nabisto ang kahalayang ginagawa ng driver na hindi muna binanggit ang pangalan, matapos na umamin ang ilang saksing janitor na nakahuli sa akto habang umaakyat sa kisame ang suspek sa bodega ng CR ng lalaki na ang katabi ay sa babae.
Napatunayan din ng mga lady reporter na may butas ang kisame ng kanilang CR na siyang pinagbobosohan ng suspek.
Matapos sumingaw ang pamboboso ay agad na nagbakasyon ang driver ng press secretary.
Sa panayam naman kay Cabrera, hindi na nakapagpaalam sa kanya ang nasabing driver at nagbilin sa kanyang opisina na magpapa-opera ito sa paa.
Tiniyak ni Cabrera na sisibakin sa trabaho ang driver nito sakaling mapatunayan ang alegasyong pamboboso, pero nilinaw nito na hindi niya ito personal driver at sa panahon pa ni dating Press Secretary Rod Reyes nagsilbing driver sa OPS ang suspek. Naghain na rin ng pormal na reklamo ang Malacañang Press Corps kay Cabrera laban sa nasabing driver na napag-alamang naka-hold ang suweldo. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended