Sa 10-pahinang complaint affidavit na isinumite ni PNP C/Supt. Nestor Gualberto, nahaharap din sa kasong malversation at perjury sina Lacson at mga kasamahang sina Supt. Michael Ray Aquino, Supt, Magtanggol Gatdula, Col. Dioscoro Reyes, Lt. Col. Dennis Agaram, Supt. John Lopez, C/Insp. Steve Ludan, PO2s Giovannie Belen, Freddie Ferrer, Wendel Arenas, TSgt. Arturo Tabang at iba pang papangalanan sa mga susunod na araw. Bumuo na ng 5-man panel ang Ombudsman para sa isasagawang preliminary investigation.
Samantala, pinayuhan ni Pangulong Arroyo si Lacson na sagutin ang mga akusasyon laban sa kanya at patunayang wala siyang kasalanan.
"Ang totoo may simpatiya ako kay Lacson, ang masasabi ko sagutin na lang niya ang akusasyon at ipagdarasal ko na sanay malinaw niyang maipaliwanag ang kanyang panig at masagot ang mga bintang laban sa kanya. (Ulat nina Grace Amargo,Rose Tamayo at Lilia Tolentino)