^

Bansa

Wiretapping vs Lacson, 10 pa isinampa na

-
Isinampa kahapon ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group sa tanggapan ng Ombudsman si Sen. Panfilo Lacson at 10 dating PAOCTF members ng kasong paglabag sa anti-wiretapping law.

Sa 10-pahinang complaint affidavit na isinumite ni PNP C/Supt. Nestor Gualberto, nahaharap din sa kasong malversation at perjury sina Lacson at mga kasamahang sina Supt. Michael Ray Aquino, Supt, Magtanggol Gatdula, Col. Dioscoro Reyes, Lt. Col. Dennis Agaram, Supt. John Lopez, C/Insp. Steve Ludan, PO2s Giovannie Belen, Freddie Ferrer, Wendel Arenas, TSgt. Arturo Tabang at iba pang papangalanan sa mga susunod na araw. Bumuo na ng 5-man panel ang Ombudsman para sa isasagawang preliminary investigation.

Samantala, pinayuhan ni Pangulong Arroyo si Lacson na sagutin ang mga akusasyon laban sa kanya at patunayang wala siyang kasalanan.

"Ang totoo may simpatiya ako kay Lacson, ang masasabi ko sagutin na lang niya ang akusasyon at ipagdarasal ko na sana’y malinaw niyang maipaliwanag ang kanyang panig at masagot ang mga bintang laban sa kanya. (Ulat nina Grace Amargo,Rose Tamayo at Lilia Tolentino)

vuukle comment

ARTURO TABANG

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DENNIS AGARAM

DIOSCORO REYES

FREDDIE FERRER

GIOVANNIE BELEN

GRACE AMARGO

JOHN LOPEZ

LACSON

LILIA TOLENTINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with