Sabi ni Rhegis Romero, "hindi ako nagbayad ng rans
August 31, 2001 | 12:00am
Pinabulaanan kahapon ng negosyanteng si Rhegis Romero II na nagbayad siya ng ransom sa Abu Sayyaf kaya siya nakatakas sa mga ito.
Sa kanyang pagharap sa House committee on national defense kahapon, iginiit ni Romero na imposibleng makapagbayad siya ng ransom money habang sinasalakay ng militar ang pinagtataguan nilang ospital sa Lamitan, Basilan.
Iginuhit pa ni Romero ang sitwasyon sa Jose Maria Torres Memorial Hospital at St. Peters Parish Church sa Lamitan at ipinakita ang isang video footage upang patunayan na nakatakas siya sa kamay ng Abu Sayyaf kasama ang dalawang bihag na sina Riza Rodriguez at ang batang si RJ.
Ipinakita ng ginamit na video ang pagtakbo ni Romero at ng kanyang dalawang kasamahang bihag patungo sa isang grupo ng mga sundalo na malapit sa simbahan at ospital.
Pero sinabi nina Zamboanga City Rep. Celso Lobregat, Lanao del Sur Rep. Benasing Macarambon at Bukidnon Rep. Juan Miguel Zubiri na mayroon "inconsistencies" sa testimonya ni Romero.
Sinabi ni Zubiri na may ilang saksi ang komite na kinabibilangan ng staff at pasyente ng ospital na nagsabing narinig nila ang usapan ng Sayyaf na maaaring pakawalan ang grupo ni Romero dahil nagbigay na ito ng ransom.
Imposible rin umanong hindi man lamang nakita sa footage ang kaguluhan habang tumatakbo sina Romero palabas ng ospital.
Sinabi ni Lobregat na may nakuha rin siyang pahayag ng ilang testigo mula sa grupo ni Fr. Cirilo Nacorda na nagkaroon ng bayaran ng ransom kaya pinatakas si Romero. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended