2 testigo sa 'abutan' ng ransom money haharap ngay
August 30, 2001 | 12:00am
Haharap ngayong umaga sa House committee on national defense na nag-iimbestiga sa problema ng Abu Sayyaf ang dalawang testigo na magpapatunay umano na nagkaroon ng bigayan ng ransom money.
Kinilala ni Roger Rigor, secretary ng komite ang dalawang sibilyan na aktuwal na nakasaksi sa abutan na sina Ruben Hadji Abdul Salam at Elson "Hapun" Hangad na dumating na sa Maynila mula sa Basilan.
Patutunayan din umano ng dalawang testigo na nagkaroon ng partisipasyon si Basilan Gov. Wahab Akbar sa bigayan ng ransom money na naging dahilan para makatakas ang negosyanteng si Rhegis Romero sa kamay ng mga bandido noong Hunyo.
Tanging si Romero lamang umano ang darating sa pagdinig sa hanay ng mga bihag ng Sayyaf dahil nasa ibang bansa na ang karamihan sa naging biktima. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended