^

Bansa

Profit sharing mungkahi ni Jawo

-
Iminungkahi ni Senador Robert Jaworski sa mga lokal at dayuhang negosyante sa bansa na pairalin nito ang profit sharing sa kanilang hanay upang maibsan ang problemang kilos protesta at welga at sa halip ay magpatuloy ang negosyo.

Sinabi ni Jaworski na kung bahagi ang bawat empleyado nila sa pagmamay-ari kahit kaunti lamang ang kanilang bahagi, tutulong itong proteksyunan ang kanilang pinaglilingkuran at maiiwasan pa ang pagsasagawa ng welga na siyang nagpaparalisa ng pagnenegosyo.

Sa kasalukuyan anya, matindi ang paghingi ng dagdag na sahod ng mga manggagawa upang tustusan ang malaking kakulangan ng kanilang kinikita dahilan sa hindi maawat na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Hindi lamang anya kita ng kanilang manggagawa ang hahabulin ng mga ito kung hindi ang mabigyan din ng sapat na proteksyon ang kanilang pinaglilingkuran dahilan sa bahagi na sila ng pagmamay-ari ng kumpanya.

Maiiwasan din ang welga dahilan sa lahat sila ay bahagi ng mga may-ari ng kumpanya kung kayat higit pa nitong bibigyan ng proteksyon at higit na magiging maganda ang relasyon ng mga manggagawa at kapitalista.

Sa konting pabor ayon ka Oreta, win-win sa bawat panig ang siyang mamamagitan at lahat ay makikinabang dahilan sa higit nitong pagbubutihin ang kanilang trabaho dahilan sa bahagi na sila ng kumpanya.

Bukod dito, malamang na tumulong pa ang mga manggagawa sa promotion ng kanilang kumpanya upang lalong palakasin ang kanilang kita na lahat sila ang siyang makikinabang. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

BUKOD

IMINUNGKAHI

JAWORSKI

KANILANG

MAIIWASAN

ORETA

RUDY ANDAL

SENADOR ROBERT JAWORSKI

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with