140,000 Pinoy seamen mawawalan ng trabaho
August 27, 2001 | 12:00am
Pinaniniwalaang mahigit na 140,000 Filipino seafarers ang mawawalan ng hanap-buhay sa pagpasok ng Pebrero 2, 2002 dahilan umano sa kapalpakan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ayon kay Senator Tessie Aquino Oreta.
Sinabi ni Oreta na ang kapabayaan ng POEA na bigyan ng komprehensibong programa ang mga seamen na siyang napagkasunduan sa nakasaad na bagong nilalaman ng International Convention on Standards, Training, Certification and Watchkeeping (ICSTCW).
Kailangang umanong kumilos ang Maritime Training Council (MTC) na nasa ilalim ng pangangasiwa ng POEA ang information campaign sa mahigit na 200,000 Pinoy seamen na kailangan i-renew nila ang kanilang Certificates of Compliance (CoC) bago sumapit ang Pebrero 1, 2002.
Nakasaad sa bagong (ICSSTCW)na kailangan ang lahat ng bansa na kasapi ng International Maritime Convention(IMC) ay sumunod sa bagong patakaran para matiyak ang kaligtasan ng mga barkong bibiyahe ganoon din ang mga sakay nito.
Sa kasalukuyan ay 60,000 seamen pa lamang ang nakasunod sa bagong direktibang dahilan sa kakulangan ng impormasyon ng POEA.
Hindi biro ang mawalan ng $ 900 milyong remittances ng mga Pinoy seamen na malaki ang naitutulong sa pag-usad ng ekonomiya ng bansa. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended