Statement ni Devnani pag-aaralan ng NBI kung magag
August 25, 2001 | 12:00am
Pag-aaralan pa ng National Bureau of Investigation (NBI) kung magagamit nito ang pinakabagong pahayag ng surprise witness na si Danny Devnani makaraang ituro nito sina Butch Tenorio at Atong Ang bilang mga may kinalaman sa pagkawala ng PAGCOR employee na si Edgardo Bentain.
Sa isang press statement kahapon, sinabi ni NBI Director Reynaldo Wycoco na mayroon ng direktang ugnayan upang makuha ang mga vital informations para maresolba ang kaso ni Bentain at ang mga testimonya ni Devani ang kanilang pagtutuunan ng pansin.
Sinabi ni Devnani na si Tenorio na dating PAGCOR employee ang siyang nagpakalat ng video na nagpapakita kay dating Pangulong Estrada noong Vice President pa ito habang abala sa high stake gambling.
Maging ang direktang pagkakaugnay ng pagkamatay ng dating basketball star na si Arnie Tuadles na itinuro din ni Devnani kay Erap ay pag-aaralan ng NBI. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended