Lacson idiniin pa ni Ador; Mayor Lim at Kim Wong n
August 24, 2001 | 12:00am
Idiniin pang muli ni dating PAOCTF agent Angelo "Ador" Mawanay si Senador Panfilo Lacson sa pagpatay ng negosyanteng si Angelito Sy na dating ahente at interpreter ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force.
Sa kanyang testimonya, sinabi ni Mawanay na sangkot sina Lacson at Col. Michael Ray Aquino, dating tauhan sa PAOCTF, sa pagpatay kay Sy sa loob mismo ng isang L-300 van habang binabagtas ng sasakyan ang kahabaan ng EDSA malapit sa Cubao, Quezon City.
Ayon kay Mawanay, halos tatlong beses silang inutusan ni Aquino na magtungo sa SM-North EDSA saka dinampot si Sy sa loob ng L-300 van, pero hindi niya nabatid kung saan dinala ang bangkay ni Sy.
Nabigo naman si dating Manila Mayor Alfredo Lim na idiin sa Senate hearing ang inaakusahan nitong si Kim Wong matapos hadlangan ni Minority Leader Aquilino Pimentel Jr., sa kanyang testimonya maging ang pagpaparinig ng isang radio interview na nagsasangkot kay Wong sa drug trafficking at kasong pagdukot kay Sy.
Walang kurap na itinanggi ni Wong na siya ay drug lord. Hindi rin daw siya ang nag-utos na patayin si Sy.
Ani Pimentel, hayaan na lamang na mismong si Mary Ong, alyas Rosebud, ang magbigay ng testimonya sa Senate hearing sa halip na isentro ang pansin sa akusasyon ni Lim batay sa radio interview.
Kinumpirma naman ni NBI Chief Reynaldo Wycoco na wala ni isa mang kasong isinampa o naitala laban kay Wong sa tanggapan ng NBI partikular ang may kinalaman sa droga.
Sa testimonya naman ni PNP chief Leandro Mendoza, hindi nito maidiin si Wong sa anumang kaso ng droga maliban sa pagkakasangkot nito sa pagkawala at pagpatay kay Sy batay sa testimonya ni Rosebud.
Nabigo naman si ISAFP chief Col. Victor Corpus na magbigay ng anumang uri ng impormasyon hinggil sa source ng sinasabing bank accounts ni Lacson at detalye ng fact finding mission nito sa US. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am