Sa resulta ng ginawang pag-aaral ng Greenpeace, ang mga pagkain ng mga bata na may taglay na GMOs ay ang Nestle Cerelac Wheat, Kellogs Chocos Chex, Wyeths Nursoy, Isomil at Farinas Hot Wheat Cereal.
Una nang napatunayang may GMOs ang tatlong Novartis/Gerber baby food products na naibebenta sa Pilipinas.
Magkasabay namang maghahain ng panukala sa Kamara at Senado hinggil sa pagpapatigil na maibenta sa mga pamilihan ang mga baby food products na may GMOs na layong magparusa ng 12 taong pagkabilanggo sa mga magkakasala.
Hinikayat din ng Greenpeace sa kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na ipalagay sa mga baby food items na free from GMOs ang mga paninda para maingatan at maprotektahan ang kalusugan ng mga sanggol at kabataan. (Ulat ni Angie dela Cruz)