GMA, Ping, Loi magkasama sa El Shaddai

Pansamantalang isinantabi muna ang hidwaang pulitikal matapos magkakasama sina Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, Senador Panfilo "Ping" Lacson at Senadora Luisa "Loi" Ejercito sa pagdiriwang ng anibersaryo ng El Shaddai.

Dinaluhan ng Pangulo, Lacson at Ejercito ang El Shaddai kasabay na rin ng pagdiriwang ng 62 kaarawan ni Bro.Mike Velarde na ginanap kahapon ng umaga sa Qurino Grandstand.

Kabit bisig ang tatlo sa pangunguna ni Velarde sa pagdarasal sa bansa na nahaharap sa ibat-ibang problema. Naging makulay din ang selebrasyon matapos batiin ng Pangulo sina Lacson at Ejercito na ikinasiya ng mga miyembro na dumalo sa pagtitipon.

Matapos ang misa ay magkasama ang tatlong bisitang pulitiko sa salu-salong almusal. (Ulat ni Ely Saludar)

Show comments