^

Bansa

Pinay DH na hinatulan ng kamatayan sa Dubai nakauwi na ng bansa

-
Nakauwi na kamakalawa ng gabi sa bansa ang 23-anyos na Pinay domestic helper na nakulong sa Dubai ng dalawang taon at may sentensiyang kamatayan matapos magbayad ng "diya o blood money" na nagkakahalaga ng $US40,000.

Si Mary Jane Ramos ay dumating sa NAIA sakay ng Emirates Airlines flight EK-084. Personal siyang sinalubong ni First Gentleman Mike Arroyo na siyang nanguna sa "Save Mary Jane Ramos" fund-raising campaign, OWWA Administrator Wilhelm Soriano, pamilya nito at mga kamag-anak.

Si Mary Jane ay nakulong sa Dubai matapos na di sinasadyang mapatay nito ang kanyang Arabong amo na si Mohammad al Shamsi sa pagtatanggol nito sa kanyang sarili sa tangkang panggagahasa may dalawang araw pa lamang siyang nag-uumpisang mamasukan.

Ayon kay Atty. Antonio Curaming, hepe ng CAD ng Department of Foreign Affairs, ang blood money na ibinayad sa pagpalaya kay Ramos ay nagmula sa contingency fund ng tanggapan ng Pangulo, perang nalikom mula sa fund raising campaign ng First Gentleman at donasyon ng Filipino community sa United Arab Emirates (UAE).

Si Mary Jane ay pinatawan ng parusang kamatayan ng Dubai Appelate Court bagamat pinatawad ng Dubai lower court sa kaso nitong murder matapos umapela ang Pilipinang asawa ni al Shamsi na pagbayarin na lamang ito ng blood money. (Ulat nina Rose Tamayo at Butch Quejada)

vuukle comment

ADMINISTRATOR WILHELM SORIANO

ANTONIO CURAMING

BUTCH QUEJADA

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DUBAI

DUBAI APPELATE COURT

EMIRATES AIRLINES

FIRST GENTLEMAN

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

ROSE TAMAYO

SI MARY JANE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with