30 Pinoy seamen nanganganib sa UAE
August 14, 2001 | 12:00am
Dumulog ang mga asawat magulang ng 30 Pinoy seamen sa tanggapan ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) chief Wilhelm Soriano para umapela sa gobyerno ng United Arab Emirates (UAE) na palayain ang nasabing seamen na kasalukuyang nakakulong doon at nanganganib na habambuhay na makulong sa kasong "bank fraud scheme."
Ang nasabing mga seamen na pawang empleyado ng Gulf Agency Company (GAC Marine) ay nakakulong sa Al Wathba Central Prison matapos maaresto noong Enero 16, 2001.
Nabatid na sinampahan ng kasong estafa ng UAE ang mga seamen matapos gamitin ang kanilang mga pangalan ng kanilang manager na nagngangalang Stanley Pereira, isang Indian national ng GAC Marine sa ibat ibang loan sa apat na banko na kinabibilangan ng Standard Chartered Bank, Anz Grindlays, ABN Amro Bank at Ras Al Khaima Bank sa Abu Dhabi.
Nangutang ng halagang DHS 2.9M dirhams o P38 milyon ang nasabing Indian sa apat na banko sa UAE at ginawang collateral nito ang mga pangalan at posisyon ng nasabing mga Pinoy seamen.
Hindi umano alam ng nasabing mga Pinoy na ang pinaglagdaang dokumento sa kanila ni Stanley ay gagamitin sa gagawin nitong loans. Ang buong akala umano ng mga ito ay bibigyan sila ng Indian national ng salary loans.
Nakasaad sa kanilang nilagdaang dokumento na wala silang pananagutan sa anumang pagkakautang ni Stanley bukod sa dalawa nitong mga anak na sina Paul at Sony Pereira na ginawa rin nitong collateral.
Inamin din ni Stanley sa mga awtoridad ang krimen at pinawalang sala ang mga Pinoy seamen.
Si Stanley ay nagtatago ngayon sa bansang India samantala ang anak nitong si Sony ay nakakulong sa Ras Al Khaimah Prison dahilan sa pagkakasangkot sa pangungutang ng ama.
Tiniyak ni Soriano na ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang mapawalang sala at makauwi ng bansa ang mga nakakulong na seamen.
Nagpalabas na umano ng kautusan si Pangulong Arroyo sa Department of Foreign Affairs at ilan pang concerned agencies para kausapin si Sheik Said, ang presidente ng UAE hinggil sa naturang apela. (Ulat ni Rose Tamayo/Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended