Pamilya Espinosa, pinayuhang kumalma
August 13, 2001 | 12:00am
Pinayuhan kahapon ng Malacañang ang pamilya Espinosa sa Masbate na maging mahinahon at huwag ilagay ang batas sa kanilang mga kamay.
Ito ang tugon ng Malacañang sa naging babala ng kapatid na pinaslang na si Mayor Moises Espinosa Jr., na posibleng dumanak ang dugo sa lalawigan kung hindi agad maibibigay ang hustisya.
Sinabi ni Press Undersecretary Roberto Capco na iniutos na ng Pangulong Arroyo ang malalimang imbestigasyon sa pagpaslang sa mayor na may hinalang may kinalaman sa pulitika kasabay ng pakikiramay sa mga naulilla ng biktima.
Tiniyak ng Malacañang na igagawad ng pamahalaan ang kailangang katarungan ng biktima matapos ang proseso ng imbestigasyon. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended