^

Bansa

P13-B pork barrel isiningit sa 2002 budget?

-
Hindi na kailangan umanong ipilit ng mga senador at mga kongresista na ipaglaan sila ng pork barrel sa 2002 budget, dahil umano’y naglaan na ang Malacañang ng P13 bilyong pondo para sa kanila.

Sa pagsusuri na ginawa ng mga oposisyon solon sa panukalang P781 bilyong budget ni Pangulong Arroyo sa susunod na taon ay ipinapakita na kasama dito ang P3.4 bilyong Priority Development Assistance Fund (PDAF) na mas kilala sa tawag na Countrywide Development Fund (CDF).

Bukod sa PDFA, mayroong P7.3 bilyong lump sum sa P44.3 bilyong budget ng Department of Public Work and Highways (DPWH) na umano ay isa ng tradisyon na dito kinukuha ng mga mambabatas ang kanilang mga pork barrel para sa kanilang mga ibat-ibang infrastructures projects.

Dagdag rin dito na may P2 bilyong piso na gugulin para sa mga pagpapagawa ng mga school building na isa ring umanong pinagkukunan ng pondo ng mga mambabatas.

Bukod pa sa mga nasabing mga pondo mayroon ding nakalaan na P18.8 bilyon ang Department of of Agriculture (DAR) para sa mga proyekto nitong farm to market roads, post harvest facilities, small irrigation canals at iba pang mga agricultural infrastructure. (Ulat ni Jess Diaz)

BILYONG

BUKOD

COUNTRYWIDE DEVELOPMENT FUND

DAGDAG

DEPARTMENT OF OF AGRICULTURE

DEPARTMENT OF PUBLIC WORK AND HIGHWAYS

JESS DIAZ

MALACA

PANGULONG ARROYO

PRIORITY DEVELOPMENT ASSISTANCE FUND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with