Sec. Reyes, 80 pa muntik ma -Titanic
August 13, 2001 | 12:00am
Kamuntik nang matulad sa barkong Titanic ang barkong kinalululanan ng grupo ni Defense Secretary Angelo Reyes, AFP Southcom Chief Lt. Gen. Gregorio Camiling, iba pang mga opisyal ng militar kasama ang may 80 pang katao na himalang nakaligtas sa tiyak na trahedya makaraang sunud-sunod na balyahin ng dambuhalang alon ang sinasakyan nilang Navy Vessel habang naglalayag sa gitna ng karagatan ng Basilan Strait bunga ng masungit na panahon sa nasabing lugar kahapon ng hapon.
Batay sa report na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, sa pagitan ng ala-1 hanggang ala-1:30 ng hapon ay muntik nang lumubog ang barkong RP Magat Salamat ng Philippine Navy na kinalululanan ng grupo ni Secretary Reyes sa nasabing karagatan patungong lalawigan ng Basilan.
Napag-alaman na may tropical depression sa nasabing lugar kayat malakas ang alon sa karagatan at napakatindi ng buhos ng ulan.
Sa isang panayam kay Major Roy Devesa, Chief ng Defense Intelligence Security Group, sinabi nito na binalya ng pito hanggang sampung talampakang laki ng alon ang sinasakyan nilang barko.
"Its a matter of life and death, ilang beses na tumagilid pakaliwa at pakanan, yung barko tapos nagpa-panic at nagsusuka na yung mga kasama natin, talagang lulubog kung tutuloy pa kami", pahayag ni Devesa.
Maliban kay Reyes at Camiling, lulan rin ng barko si Defense Undersecretary for Operations ret. Major Gen. Antonio Santos, Col. Enrique "Ike" Insierto, Senior Military Assistant ni Reyes, Mr. Ross Manlangit, Chief ng Defense Public Information Office, ilang mediamen, mga pasahero at mga crew.
Napag-alaman na ang grupo ni Reyes ay patungo sa Basilan para ipirisinta rito ang tatlong hostages na nailigtas sa mga bandidong Abu Sayyaf na sina Vicente Perillo Sr., anak nitong si Vicente Jr., at Fernando Perillo ganap na alas-2 ng hapon.
Gayundin ay nakatakda ring makipagkita ang kalihim kay Fr. Cirilo Nacorda upang linawin ang alegasyon nito laban sa ilang opisyal ng militar na umano ay sangkot sa pagpapatakas sa mga bandidong Abu Sayyaf kapalit ng malaking halaga.
Sa insidenteng naganap ay kinansela ang pakikipagkita ni Reyes kay Nacorda at pagsalubong sa mga nasagip na hostages kaya napilitan na lang na pabalikin ang 770 toneladang barko ng kapitan nitong si Cyril Carlos sa pier ng Zamboanga City matapos ang ilang oras na paglalayag sa karagatan.
Nasa mabuting kalagayan ang kalihim, subalit binigyan naman ng first aide ang mga kasamahan nito na lulan ng barko. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
12 hours ago
Recommended