3 pang bihag ng Sayyaf nasagip
August 12, 2001 | 12:00am
Matapos ang halos dalawang buwang pagkakabihag, nailigtas ng mga operatiba ng militar ang tatlong hostages na kabilang sa orihinal na 15 manggagawang kinidnap ng mga bandidong Abu Sayyaf sa Golden Harvest coconut plantation sa isinagawang operasyon sa isang liblib na lugar sa Lantawan, Basilan, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni AFP Southcom spokesman Lt. Col. Danilo Servando ang mga nailigtas na sina Vicente Perillo Sr., 45; Vicente Perillo Jr., 19; at Fernando Perillo, 17.
Ang tatlo ay kabilang sa 15 katao na karamihan ay mga menor-de-edad na kalalakihang dinukot ng mga bandidong Abu Sayyaf matapos salakayin ang plantation sa Brgy. Tairan ng nasabi ring munisipalidad noong nakalipas na Hunyo 11.
Nasagip ang naturang mga bihag ng tropa ng Armys 10th Infantry Battalion (IB) sa Brgy. Maligue sa magubat na bahagi ng bayan ng Lantawan bandang alas-10:55 ng gabi kung saan ang mga ito ay dinala kahapon ng alas-6 ng umaga sa Lumbang detachment sa Isabela City.
Nabatid na bago narekober ang mga biktima ay nagkaroon muna ng enkuwentro sa pagitan ng mga tauhan ng 10th Infantry Battalion (IB) ng Phil. Army kasama ang dalawang platoons ng Marines at ang mga tinutugis na bandido sa Upper Mangas, Lantawan. Ang enkuwentro ay nag-umpisa dakong alas-10 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon.
Sa nasabing insidente ay nasugatan ang isang sundalo na kinilalang si Pfc. Hatad Hadji Raini.
Makalipas ang ilang oras ay hindi tinantanan ng mga sundalo ang paghabol sa bandidong grupo sa pagbabakasakaling may tangay ang mga itong hostages.
Ilang saglit pa matapos kordonan ang nasabing lugar ay namataan ng mga sundalo ang grupo ng mga bandido tangay ang ilang mga bihag.
Bunga ng matinding pressure ay napilitan ang mga bandido na abandonahin ang tatlo sa mga hostages kaysa maabutan sila ng mga sundalo.
Sa kabuuang 15 kataong kinidnap sa Golden Harvest coconut plantation ay dalawa ang pinugutan ng ulo ng mga bandido na sina Primitivo Falcasantos, chief security officer ng sinalakay na plantasyon at Crisanto Suela na natagpuang pugot ang ulo noong nakalipas na Hunyo 23.
Sa kasalukuyan ay 18 na lamang ang bihag ng mga bandido na kinabibilangan ng 4 pang dinukot sa Dos Palmas Resort sa Puerto Princesa City, Palawan; 10 na kinidnap sa Golden Harvest coconut farm at apat na binihag sa Dr. Jose Torres Hospital sa Lamitan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest