Ate Vi, Senator Recto may death threats - PNP
August 9, 2001 | 12:00am
May pagtatangka sa buhay ng mag-asawang Senator Ralph Recto at Lipa City Mayor Vilma Santos.
Ito ang kinumpirma kahapon ni PNP chief director Gen. Leandro Mendoza base sa nakalap na intelligence report ng kanyang mga tauhan.
Nabatid na nitong nakaraang Biyernes umano ay bumisita sa PNP office si Senador Recto at humingi ng tulong dahil sa presensiya ng mga kahina-hinalang grupo ng kalalakihan na umaaligid sa tahanan nilang mag-asawa sa bayan ng Lipa. Si Santos ay binigyan ng 10 escorts, habang dalawa sa senador.
Sa isinagawang imbestigasyon, ang mga kaalyado umano ng Taiwanese group na nasagasaan ng mag-asawa ang posibleng nasa likod ng pagbabanta. Patuloy na bineberipika hanggang sa ngayon ang ulat na may pinalaya ang mga ito na preso upang isagawa ang nasabing aktibidad.
Matatandaang kamakailan ay nadiskubre ng Lipa City police ang isang laboratoryo ng shabu sa nasabing bayan kung saan nakumpiska dito ang multi-milyong halaga ng shabu. Nadurog din umano ang isang international drug syndicate dahil sa nasabing operasyon. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am