Maghanda sa El Niño
August 8, 2001 | 12:00am
Bunsod ng inaasahang pagpasok sa bansa ng El Niño Phenomenon sa pagtatapos ng 2001, hinikayat ng Philippines Athmospheric Geophysical, Astronomical Services Administration (PAGASA) ang lahat ng concerned agencies at local government units na magsagawa na ng paghahanda.
Sinabi ni Vicente Manalo, head Climatologist ng PAG-ASA, na hindi imposible na pasukin ng El Niño ang malamig na panahon dahil sa tumataas na relative humidity o pabago-bagong pag-init ng panahon.
Binigyang diin ito na maaaring pasukin ng ulan kahit na mararanasan sa bansa ang El Niño subalit ito ay kakaunti lamang na rain fall o kilala sa tawag na "daan" lamang ng ulan.
Pinaghahanda rin ang Department of Agriculture (DA) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang mabigyan ng impormasyon ang mga magsasaka sa mga pananim na maaaring itapat sa panahon ng El Niño
Umaasa ang PAGASA na wala naman gaanong pinsalang idudulot ang nabanggit na panahon sa kabuhayan ng mamamayan. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest