4 pa pinugutan ng Abu Sayyaf
August 5, 2001 | 12:00am
Apat pang bihag ang pinugutan ng mga bandidong Abu Sayyaf, ilang oras matapos dukutin ang 33 katao at pugutan ang lima dito sa naganap na pinakabagong paglusob ng mga bandido sa dalawang komunidad sa Brgy. Balobo, Lamitan lalawigan ng Basilan kamakalawa ng gabi.
Ang insidente ay matapos muling magbitiw ng banta si Abu Sayyaf spokesman Abu Sabaya kahapon na pupugutan nito ng ulo ang ilan pang hawak nilang mga bihag kung hindi umano titigilan ng militar ang isinasagawang pagtugis laban sa kanila.
"Hindi kami nagbibiro may pupugutan na namang bihag kapag hindi nakinig ang gobyerno. Itigil na ninyo ang operasyon kung hindi walang mangyayari sa atin," ayon kay Sabaya sa pagsalita nito kahapon sa pamamagitan ng sattelite phone.
Ilang oras lamang ay narekober ang apat na pinugutang sina Edgardo Randy Revillas, isang barangay councilman; Alexander Ramirez, Rodolfo Franciso, at Lito Esteban.
Tatlo sa apat na ulo ang nakuha malapit sa mga katawan ng mga biktima at isang handwritten note sa duguang t-shirt ang nakita na may nakasaad na "Commander Robot taong ako ang naghappen dito sa highway at saka sa Lamitan pati sa Marta at Tagasilay at saka doon sa Lantawan, Kalibugan at doon sa Golden Harvest at saka sa Puno Lapurap at ang pumugot."
Nauna rito ay pinugutan ang lima pagkadukot pa lamang noong Huwebes ng gabi na nakilalang sina Ronald Roxas, Avelino Ramirez, Elmer Natalaray, Ponciano Cristobal at Feliciano Ramones.
Sinabi ni AFP spokesman Brig. Gen. Edilberto Adan na sa kabuuang 33 kataong dinukot, anim pa ang hawak ng mga bandido, 11 ang nakatakas, pito ang nawawala at siyam ang narekober na pugot ang ulo.
Kinilala na ang grupong sumalakay sa Sitio Campo 3 at Sitio Baguinao na pawang nasa Brgy. Balobo na sina Hakim Yatin, Sattar Yacub at Gani Sulaiman.
Base sa testimonya ng nakatakas na hostage na si Jeffrey Ramos, karamihan sa kanilang mga abductors ay nagkaka-edad ng mula 20-30 taong gulang at armado ng mga M60 light machine guns, M203s, M14s, garand riffles at mga gulok. Pinaniniwalaang ang mga kidnaper ay ang mga bagong recruits ng Sayyaf.
Nabatid na pinakawalan at pinatakbo ang mga biktima at pinapatay sa taga kapag naabutan.
Sa nasabing insidente ay naabutan ang mga ito at pinugutan.
Base sa report, ginulantang na lamang ang mga residente dito at isa-isang niransak ang mga kabahayan at tinangay ang makursunadahang bihagin.
Hindi pa nakuntento, bago tuluyang tumakas ay sinunog pa ng mga bandido ang tatlong gusali ng isang eskuwelahan sa Limook Elementary School.
Sa panayam naman kay Southern Command Chief Gregorio Camiling Jr., huling namataan ang mga bandidong may hawak sa mga panibagong bihag sa Tipo-tipo at Tuburan na karatig munisipyo lamang ng Lamitan.
Idinispatsa na ng Joint Task Force Comet ang mga operatiba ng 18th Infantry Battalion ng Phil. Army habang nagsagawa naman ng blocking position ang mga tauhan ng 1st Basilan CAFGU Company sa Brgy. Balobo para harangin ang mga bandido. (Ulat nina Joy Cantos at Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended