'Young Guns' ipinantapat sa 'Spice Boys'
July 31, 2001 | 12:00am
Nagkaroon na ng katapat ang tinatawag na "Spice Boys" ng Kongreso, sa katauhan ng mga bata ring kongresista na tinawag namang "Young Guns."
Ayon kay Bukidnon Rep. Juan Miguel Zubiri, isa sa mga mga miyembro ng Spice Boys, hindi niya itinuturing na karibal ang mga first termer congressmen na kasapi ng Young Guns.
"We welcome them to shine as well," ani Zubiri sa isang panayam kahapon.
Katulad ng Spice Boys, lima rin ang miyembro ng Young Guns sa katauhan nina Cavite Rep. Gilbert Remulla, Palawan Rep. Abraham Kahlil Mitra, Muntinlupa Rep. Rozzano Rufino Biazon, North Cotabato Rep. Emmylou Talino-Santos at Quezon Rep. Georgilu Yumul.
Sinabi pa ni Zubiri na bagaman at kasama na ngayon ng majority group ang mga kongresistang kasapi ng Spice Boys katulad ni Camarines Sur Rep. Rolando Andaya, mananatili pa rin silang taga-bantay ng administrasyon. Ipinagmalaki pa ni Zubiri na kasapi na rin sila ng tinatawag na conscience block at babantayan ang bawat kilos ng Presidente katulad noong panahon ni dating Pangulong Estrada.
Magugunitang ang Spice Boys kasama ang dating minority group sa Kongreso na pinangungunahan ni dating Speaker Feliciano Belmonte Jr. ang nagsulong ng Articles of Impeachment. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest