Sensitibong mga komite sa Senado nakopo ng PPC
July 31, 2001 | 12:00am
Nakopo ng mga miyembro ng People Power Coalition (PPC) ang mga sensitibong komite sa Senado.
Tatlong komite ngayon ang hinahawakan ni Senator Ramon Revilla at ito ay ang Senate Committee on Environment and Natural Resources, Labor, Employment and Human Resources Development at Public Works.
Napunta naman kay Senator John Osmeña ang chairmanship ng Senate committee on Finance at Local Government habang ang pamumuno sa Senate committee on Public Order and Illegal Drugs at Games and Amusement and Sports ay napunta kay Sen. Robert Barbers.
Chairman naman ng Senate committee on Social Justice, Welfare and Rural Development at Tourism si Sen. Noli de Castro.
Hinawakan naman ni Sen. Juan Flavier ang Senate committees on Health and Demography, at Cultural Committee habang kay Senate Majority Leader Loren Legarda-Leviste ang komite sa Accounts at Rules; Sen. Ramon Magsaysay Jr., chairman ng Senate committee on National Defense and Security at Science and Technology; Sen. Renato Cayetano, chairman committee on Education, Arts and Culture, samantalang ang chairmanship ng Senate committee on Justice and Human Rights ay napunta kay Sen. Francis Pangilinan, habang kay Sen. Joker Arroyo and Public Services; nakuha naman ni Senate President Pro-Tempore Manny Villar ang chairmanship ng Senate committee on Agriculture and Food.
Samantala, kinuwestiyon ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. ang pag-upo bilang chairman ni Sen. Villar sa Agriculture and Food committee.
Ayon kay Sen. Pimentel, nakasaad sa section 20 ng Senate Rules na ang Senate President Pro-Tempore, Majority Leader at Minority Leader ay awtomatikong ex-officio member ng lahat ng komite sa Senado kaya hindi nararapat pang humawak ng mga komite bilang taga-pangulo.
Sinabi ni Pimentel, kaya lamang naging chairman ng Senate committee on foreign relations si Sen. Pimentel noong ito ay nanunungkulan bilang Senate President Pro-Tempore ay dahil "isinantabi" o sinuspinde ang section 20 ng Rules na sinang-ayunan naman ng mayorya.
"Bilang Senate President Pro-Tempore ay puwede siyang magsagawa ng ribbon-cutting kung hindi puwedeng dumalo ang Pangulo ng Senado o kung ayaw naman niyang dumalo sa mga pagpupulong ng komite ay puwede naman siyang mag-novena na lamang ," pahayag ni Pimentel.
Dahil dito, napilitan si Senate Majority Leader Loren Legarda-Leviste na-i-defer na lamang ang paghahayag o nominasyon ng chairmanship sa araw na ito. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended