Si Isang ay namataan ng PAGASA sa layong 55 kilometro silangan timog-silangan ng Tuguegarao, Cagayan at 560 kilometro ng silangan timog-silangan ng Aparri, Cagayan.
Taglay nito ang pinakamalakas na hanging 85 kilometro bawat oras hanggang 100 kilometro bawat oras.
Ngayong umaga, si Isang ay nasa layong 70 kilometro ng silangan ng Tuguegarao, Cagayan.
Nakataas ang babala ng bagyo bilang 2 sa Isabela at Cagayan kasama na ang Calayan island.
Public storm signal no. 1 naman sa nalalabing bahagi ng Northern Luzon, Nueva Ecija, Aurora, Northern Quezon, Polilio island, Camarines provinces at Catanduanes.
Bunsod ng bagyong Isang, patitindihin nito ang monsoon rains kaya ang nalalabing bahagi ng Luzon at Metro Manila ay patuloy na makakaranas ng pag-ulan, pagkulog at pagkidlat hanggang sa umaga ng araw ng Linggo. (Ulat ni Angie dela Cruz)