^

Bansa

Pagpapakasal ng mga operadang bakla o tomboy, hindi na papayagan

-
Upang masiguro na hindi mauulit ang pagpapakasal ng mga bakla o tomboy na nagpabago ng sexual organs, isang panukala ang isinampa kahapon ni Muntinlupa Rep. Rozzano ukol dito.

Ayon kay Biazon, panahon na upang amyendahan ang Family Code dahil nakakabahala ang napalathalang ulat kamakailan kaugnay sa pagpapakasal ng dalawang lalaki na ang isa ay nagpabago lamang ng sexual organ, dito mismo sa Pilipinas.

Ikinatwiran umano ng judge na nagkasal sa dalawa na maaari nang maging ‘legal na babae’ ang isang operadang lalaki sa pamamagitan ng isang court decision at puwede na ring maging legal ang kasal nila.

Sa panukala ni Biazon, ang maaari lamang magpakasal ay ang mga ‘natural born male’ at ang mga ‘natural born female’ at hindi ang mga operadang babae o lalaki na nagpabago ng kasarian.

Sinabi pa nito na ang unang dahilan kung bakit nagpapakasal ang isang lalaki at isang babae ay upang magkaroon ng anak at imposible itong mangyari kung parehong babae o parehong lalaki ang nagpapakasal sa isa’t isa.

Hindi lamang umano labag sa batas ang pagpapakasal ng dalawang taong pareho ang kasarian kundi labag din ito sa utos ng Diyos.

Kung hindi aamyendahan ang nasabing batas ay baka dumami umano ang mga nagpapakasal na bakla at tomboy. (UIat ni Malou Rongalerios)

AYON

BIAZON

DIYOS

FAMILY CODE

IKINATWIRAN

MALOU RONGALERIOS

MUNTINLUPA REP

PILIPINAS

ROZZANO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with