Mayon sumabog ulit !
July 27, 2001 | 12:00am
Matapos ang serye ng malalakas na pagsabog nitong nakalipas na buwan at pansamantalang pananahimik ng ilang linggo, muling nagbuga kahapon ng makapal na abo, bato at lava ang bulkang Mayon bunsod para itaas sa alert level 5 ang paligid ng bulkan at ilikas ang libu-libong residente na nakatira sa nasasakupan ng 7-kilometer radius Extended Danger Zone sa lalawigan ng Albay.
Sa ipinalabas na ulat kahapon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nabatid na naganap ang major eruption dakong alas-7:56 ng umaga na ikinabigla ng mga residente. Ang malakas na pagsabog ay sinundan ng pagbuga ng bulkan ng naglalagablab na lava sa timog-silangang bahagi ng crater nito.
Sa lakas ng pagsabog ay umabot sa tinatayang 10-kilometrong taas ang ash column na ibinuga nito, dahilan para dumilim at maging zero visibility sa ilang mga lugar sa paligid ng bulkan dahil na rin sa kapal ng abo.
Kamakalawa pa ng gabi nagpapakita ng abnormalidad ang Mayon kaya agad itong itinaas sa alert level 4 at binalaan ang mga residente na nasa 6-kilometer permanent danger zone.
Ayon kay Phivolcs resident volcanologist Ed Laguerta, nakaipon na naman ng pyroclastic materials ang bulkan kaya ang naging pagsabog nito kahapon ay mas malakas kumpara sa nakalipas na mga eruption nito.
Isinasagawa na ang malawakang evacuation sa tinatayang 25,000 mga residente at kabilang sa mga apektadong bayan ay ang Sto. Domingo, Tabaco, Daraga, Camalig, Guinobatan, Ligao, Milipot at Legazpi. Samantala apektado ang mga barangay Mabinit, Bonga, Buyuan, Matanag, Padang, Arimbay, Bigaa at Miisi na pawang nasa paanan ng bulkan.
Pinayuhan na rin ang mga mamamayan na naninirahan malapit sa timog-silangan at silangang bahagi ng Mayon na lumikas na rin upang hindi malagay ang kanilang buhay sa peligro.
Napag-alaman na nakaabot sa lalawigan ng Sorsogon ang abo na ibinuga ng bulkan matapos tangayin ng hangin.
Kaugnay nito, nagpadala ang NDCC Albay Evacuation Service Committee at ang AFP Task Force Mayon ng mga military trucks para hakutin ang mga residente na kinakailangang ilipat sa mga pinakamalapit na evacuation centers.
Kinansela na rin ang lahat ng domestic flights patungo at paalis ng Legazpi City habang ang mga klase sa ilang paaralan ay pansamantala na ring sinuspinde.
Magugunita na huling sumabog ang Mayon nitong nakaraang Hunyo 4 kung saan humigit kumulang sa 50,000 katao ang lubhang naapektuhan. Matapos ang ilang linggo ay nagbalikan ang karamihan sa mga evacuees sa kanilang mga kabahayan at sakahan ng biglang matigil ang abnormalidad ng bulkan.
Nagbabala rin ang mga resident volcanologists ng pamahalaan na kung sakaling bumuhos ang malakas na ulan sa 18 apektadong komunidad ay hindi maiwasan ang pinangangambahang mudslides.
Samantala, isang 70-anyos na matandang lalaki ang namatay makaraang atakihin sa puso.
Ayon sa ulat, kasalukuyang nagtatanim ang biktima ng magulat sa lakas ng pagsabog ng Mayon, dahilan para ito atakihin sa puso at mamatay. (Ulat nina Joy Cantos,Angie Dela Cruz, Ed Casulla, Francis Elevado at Felix Delos Santos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended