Tsismisan ng mga kawani sa oras ng trabaho tutukan
July 26, 2001 | 12:00am
Ipinauubaya na lamang ng Civil Service Commission (CSC) sa mga agency heads ng bawat departamento at ahensiya ng pamahalaan kung anong kaparusahan ang ipapataw sa mga empleyado ng government agencies na mahilig sa tsismisan sa panahon ng trabaho.
Ito ang sinabi ni Carina David, chairman ng CSC, bilang reaksyon sa ipinatutupad na batas sa bansang Brazil na may matinding parusa sa mga empleyado na mahuhuling nakikipag-tsismisan sa oras ng trabaho.
Ayon kay David, ang pagsasayang ng oras sa trabaho tulad ng pakikipag-tsismisan ay malaking abala at epekto sa pagbibigay ng serbisyo publiko ng isang kawani ng pamahalaan. Pero sa lawak at dami ng govt employees ay hindi nila tahasang mamomonitor ang mga ginagawa ng bawat kawani ng pamahalaan kaya bahala na anya ang mga agency heads.
Gayunman, sinabi nitong alinsunod sa umiiral na batas, kasama ang pagbabawal sa pakikipag-tsismisan ng mga empleyado ng gobyerno ang texting sa panahon ng trabaho. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Gemma Garcia | 11 hours ago
By Doris Franche-Borja | 11 hours ago
By Ludy Bermudo | 11 hours ago
Recommended