Paglilipat ng foreign investors sa Indonesia dinedma ng Pangulo
July 26, 2001 | 12:00am
Binalewala lamang ni Pangulong Arroyo ang ulat na paglipat umano sa Indonesia ng mga foreign investors sa bansa kasunod ng pagpapatalsik kay President Abdurahman Wahid.
Ayon sa Pangulo normal lamang ang nasabing kaganapan at pawang mga porpolio investments o stocks lamang ang lumipat sa Indonesia at hindi direct investments.
Nauna rito, sa pagtaya ng ilang mga brokers ay excited umano ang mga foreign investor sa Indonesia matapos na maluklok ang bagong lider na si President Megawati Sukarnoputri kapalit ng pinatalsik na si Wahid.
Isa ito sa umanoy dahilan ng patuloy na pagtamlay ng stock market sa bansa at paghina ng piso kahit maganda ang nilalaman ng unang State of the Nation Address ng Pangulo.
Idinagdag pa ng Pangulo na ganito pa rin naman ang naranasan ng Pilipinas noong siya naman ang na-upo at pumalit sa napatalsik na si dating Pangulong Estrada.
Samantala, walang paglilikas na inuutos ang pamahalaan sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa Indonesia dahil normal at kalmado naman ang sitwasyon sa Jakarta sa kabila ng pagpapatalsik kay Wahid.
Ayon kay Philippine Ambassador to Jakarta Leonides Caday, normal naman ang sitwasyon sa Jakarta at positibo ang pananaw ng mga negosyante roon sa naganap na pagpapalit ng liderato.
Nagbabalikan na umano ang mga umalis na negosyante at ang salapi ng Indonesia, ang rupiah ay tumatag na sa palitang 9,000 rupiah laban sa dollar mula sa dating 11,000 rupiah.
Bagaman patuloy pang ayaw umalis sa Palasyo si Wahid hindi na ito masyadong iniintindi ng mga mamamayan na ang suporta ay nasa likod na ni Megawati.
Nakausap na aniya ni Pangulong Arroyo si Megawati at inihayag ang pagnanais sa patuloy na magandang relasyon ng dalawang bansa. (Ulat nina Ely Saludar at Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
19 hours ago
Recommended