Isang komite ang inaasahang itatayo at tatawaging Congressional Oversight on SONA Commitments na ang tanging layunin ay tutukan ang 35 pangako ni Arroyo.
Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda, masusi na nilang pinag-aralan ang mga ipinangako ng Pangulo at dapat lang na tiyakin ng Kongreso na ang lahat nang ito ay matutupad.
"We have reviewed the SONA and identified at least 35 commitments made by the President together with the corresponding quantifiable targets and pertinent timeliness. We will hold the Executive answerable to such promises," ani Salceda.
Kabilang sa nangunguna sa 35 na pangako ni Arroyo ay ang schoolbuilding sa bawat barangay; textbooks para sa lahat ng grade 1 to 4; textbooks para sa lahat ng estudyante sa 1st at 2nd years; computerization ng election; pagbabawas ng housing permit signature; 1 milyon trabaho sa agriculture; P20 bilyon para sa AFMA; P6 bilyon para sa irigasyon; P4 bilyon para sa post-harvest; lupa para sa 150,000 urban poor families; bahay para sa 50,000 urban poor families; bigas na P14 bawat kilo; aircon para sa LRT 1; LRT sa Aurora Blvd, Quezon Blvd, North hanggang Monumento at Baclaran hanggang Bacoor, at marami pang iba.
Ipapalathala umano ng pamahalaan ang mga natupad na Pangako ni Arroyo dalawang linggo bago sumapit ang susunod niyang SONA. (Ulat ni Malou Rongalerios)