^

Bansa

Tsismisan ng mga kawani sa oras ng trabaho tutukan

-
Ipinauubaya na lamang ng Civil Service Commission (CSC) sa mga agency heads ng bawat departamento at ahensiya ng pamahalaan kung anong kaparusahan ang ipapataw sa mga empleyado ng government agencies na mahilig sa tsismisan sa panahon ng trabaho.

Ito ang sinabi ni Carina David, chairman ng CSC, bilang reaksyon sa ipinatutupad na batas sa bansang Brazil na may matinding parusa sa mga empleyado na mahuhuling nakikipag-tsismisan sa oras ng trabaho.

Ayon kay David, ang pagsasayang ng oras sa trabaho tulad ng pakikipag-tsismisan ay malaking abala at epekto sa pagbibigay ng serbisyo publiko ng isang kawani ng pamahalaan. Pero sa lawak at dami ng gov’t employees ay hindi nila tahasang mamomonitor ang mga ginagawa ng bawat kawani ng pamahalaan kaya bahala na anya ang mga agency heads.

Gayunman, sinabi nitong alinsunod sa umiiral na batas, kasama ang pagbabawal sa pakikipag-tsismisan ng mga empleyado ng gobyerno ang texting sa panahon ng trabaho. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

AYON

CARINA DAVID

CIVIL SERVICE COMMISSION

CRUZ

GAYUNMAN

IPINAUUBAYA

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with