Probe kay Mike, Okay kay President Arroyo
July 25, 2001 | 12:00am
Okay lang kay Pangulong Arroyo na "gisahin" sa Senado ang kanyang kabiyak na si First Gentleman Jose Miguel Arroyo kaugnay ng akusasyon na umanoy sangkot ito sa P50 milyong suhulan sa telecommunications franchise deal.
Ang pahayag ay kasunod ng babala ng mga oposisyong senador na maglulunsad ng "Guns of August."
Ayon kay Senator Edgardo Angara, pangulo ng Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP), isang resolusyon ang isusumite ng united opposition sa Senado para hilingin na ipatawag ng Senate Blue Ribbon committee si Mr. Arroyo para ipaliwanag ang kontrobersya na kanyang kinasasangkutan.
Sinabi ni Angara na hindi simpleng usapin ang kinasangkutang ito ni Mr. Arroyo kung saan ay mismong kababata, kaklase mula elementary hanggang high school at matalik na kaibigan ng Pangulo na si Ma. Veronica "Bing" Rodrigo ang nagbunyag ng anomalya.
Sa alegasyon ni Rodrigo, tumanggap umano ng P50 milyon mula sa Philippine Communication Clearing House Inc. si Mr. Arroyo para bawiin ng Pangulo ang veto sa prangkisa nito.
Bukod kay Mr. Arroyo ay may tatlo pa umanong opisyal ng Malakanyang ang sinasabing sangkot kaya napilitang magbitiw bilang correspondence secretary ng Pangulo ang kanyang kaibigang si Rodrigo.
Siniguro naman kamakalawa ni Mr. Arroyo na wala siyang tinanggap na pera bagkus ay inakusahan nito si Rodrigo na siya umanong may kinalaman sa anomalya.
Pinabulaanan rin ng Malakanyang na nagpunta siya sa US para magpalamig sa isyu. Sinabi nito na hindi siya umiiwas sa kontrobersya. Matagal na umano niya itong plano at handa siyang humarap sa isasagawang imbestigasyon ng Senado. (Ulat nina Lilia Tolentino,Ely Saludar at Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended