Mga protesta magpapatuloy kahit tapos na ang SONA
July 24, 2001 | 12:00am
Magpapatuloy pa rin ang mga kilos protesta laban sa kasalukuyang administrasyon kahit tapos na ang kauna-unahang State of the Nation Address ni Pangulong Arroyo.
Ayon kay Bayan Muna Party List Rep. Crispin Beltran, hindi lamang lugaw at bote ng mineral water ang inaasahang matatanggap ng mamamayan sa administrasyong Arroyo, kundi pagbabago sa lipunan.
Sinabi pa ni Beltran na dapat isipin ng pamahalaan na ang kinakailangan ng tao ay ang pagtaas ng sahod ng mga manggagawa, mas mabuting social services, lupa para sa magsasaka at bahay para sa mga urban at rural poor.
"Pagkatapos ng Sona, maghihintay ang tao ng higit pa sa lugaw at bottled water buhat sa gobyerno. If GMA cant deliver, shed better start preparing for the worst, "ani Beltran, isa sa mga kongresista ng Party List group.
Sinabi pa ng labor leader na hindi dapat isipin ni Arroyo na nabawasan na ang tensyon sa kanyang administrasyon dahil hindi umano ito mawawala hanggat hindi nagbabago ang kasalukuyang administrasyon.
Dapat na umanong iwasan ni Pangulong Arroyo ang pagbibigay ng mga pangako dahil lalo lamang magagalit ang mga mamamayan kapag hindi natutupad. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest